time table...
12:00 am --- binati ko ang sarili ko ng happy birthday... i hugged myself really tight!
12:03-12:10 am --- nagtext sila teddy, kate at reina ng happy birthday... actually mga ganitong oras lang ako nagbabasa ng mensahe sa celphone ko.
12:15 am --- nagdrawing pagkatapos nagbasa ng harry potter books hanggang makatulog
5:30 am --- nag-alarm ang orasan sabay bangon at pagpatay sa nasabing orasan
7:00 am --- medyo gising ngunit nagdedebate sa sarili kung gigising na ba ako... napagpasiya kong matulog na lang at magising ng 8:00 am
9:00 am --- nagulat ako sapagkat nine na pala at hindi pa ko gising kaya nagising ako at pumunta sa kwarto ng magulang ko
9:05 am --- nasa kwarto ako ng magulang ko at nararamdaman ko pa rin ang lamig ng aircon kaya't humiga ako sa kama nila dahil wala naman sila dun...
9:40 am --- nagawa ko ng bumangon mula sa kama ng magulang kung kaya't sabay pagbaba at pagbati ng magulang ko at ng 2 aso na malapit sa puso ko. kumain na rin ako ng breakfast.
10:00 am --- pumanik ako sa aking room at muling humiga sa aking kama...
11:15 am --- nagpasiya na kong maligo dahil baka may early birds...
12:00 pm --- masaya akong nagcocomputer at naglalaro ng masasayang games
1:10 pm --- dumating sila bhelly, karen, rielle at bianca
1:30-3:20 pm --- nanunuod kami ng ISWAK(natapos namin yung first disc nito), sa oras rin ito dumating si teddy at sabay pagtataka kung naiintindihan ang subtitle ng pinanunuod namin... well, sanayan lang talaga ito
3:40- 5:00 pm --- kumain kami with konting laro ng game of life... kaya lang hindi namin natapos ang nabanggit na laro dahil nandun na ang sundo nila karen, bhelly, bianca at rielle.
5:00-6:40 pm --- dahil kami na lang ni teddy ang natira nanuod na lang kami ng anime... simula ng movie ng FMA, 1st episode ng OHHC(di ba ang saya), episode 24 ng FMA sa animax at simula ng OAV ng FMA...too bad teddy at hindi mo siya natapos...
7:00- 9:45 pm --- nagcomputer, gumagawa ng anik-anik sa computer, bigla ko nalang na diskubre na tapos na ang pagdownload sa OHHC kaya tinawag ko ang aking ate at nanuod... ang cute ni tamaki!!!
10:00 pm --- nagmuni-muni uminom ako ng banaba tea... refreshing kahit ang init niya...
10:45 pm --- nagpasiyang gamitin ang laptop ng ate ko sapagkat ginagamit ng kuya ko yung computer sa baba... addict ako sa computer, bakit ba?
11:13 pm --- ayon sa oras ng computer na ito... eto na po daw ang oras...
....
ayan... ang birthday celebration... masaya kahit simple...
salamat sa mga bumati sa akin: (feeling ko po artista ako kaya babatiin ko rin sila)
reina, teddy, kate, camyl, suzie, sarah, sandra, mae, joyce, mariz, abby, at maris...
at sa pagdalo sa bahay ko...
kila bhelly, karen, rielle, bianca at teddy... salamat sa inyo